Martes, Setyembre 16, 2014

Laban! Women Rising Against Corruption!



Isang mainit na araw ang tumambad sa mga mamayan nito lamang Ika-12 ng Setyembre 2014, Biyernes, sa Mehan Garden kaugnay sa paglaban sa korupsyon ng Gabriela at ng iba pang mga grupong pangkababaihan.

Layon nito humikayat ng mga tao na sumali sa paparating na 1 Billion Uprising Revolution na kanilang inoorganisa sa darating  na 2015. Layon din nila masugpo ang iba’t ibang klase na korupsyon na mababakas sa gobyerno natin sa ngayon.







Photo: 2nd year students from PLM College of Tourism performs “Babae"



Iba’t-ibang aktibidad ang ginanap na pinangunahan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala), Gabriela Women’s Party at One Billion Rising Revolution Group. Iilan sa mga aktibidad na ito ay kantahan, sayawan at mga laro. 


Pinamagatang ”Women Rising Against Corruption” ang naturang pagtitipon ng mga para irehistro ang tinig nila laban sa korupsyon, partikular sa pork barrel system. Nagsagawa din sila ng signature campaign sa mga botante ng Maynila upang tugisin ang Disbursement Allocation Program (DAP) ng rehimeng Aquino.

 
Photo: Nakiisa rin sa pagtitiponang whistleblower na si Sandra Cam.

"Ang gobyernong ito ay di naiiba sa gobyerno ni Arroyo, nagmamalinis lamang ito sa matuwid na daan pero puno ng korapsyon at katiwalian. Pagtibayin natin ang pagkakaisa, magsama-sama tayo laban sa korapsyon." -Sandra Cam

Sumama din sa programa si Sandra Cam at ilang mga propesor at estudyante na  nagmula sa iba’t-ibang pamantasan at eskuwelahan.


Photo: Gabriela Rep. Luz Ilagan
Naunang magbigay ng mensahe si Gabriela Rep. Luz Ilagan patungkol sa tamang pagboto at paglaban sa korupsyon.

Photo: Rochelle Barrameda

Photo: Malou Turalde, Miriam College 
Sinundan din ito ng ilan pang mga personalidad gaya nila Rochelle Barrameda at Malou Turalde ng Miriam College na pawing nagbigay din ng kanilang mga saloobin patungkol sa korupsyon sa ating bansa.

Photo: Joms Salvador Sec. of Gabriela

Dumadami ang bilang ng mamamayan na nagsasabing ayaw na natin sa sapin sapin na pagpapahirap na dinaranas ng mga kababaihan at mga Pilipino,” isa lamang ito sa mga sinambit ni Joms Salvador na nagbigay ng isang maikling mensahe patungkol sa korupsyon.

Photo: 1 Billion Rising Dance Performer led by Director of One Billion Rising,  Monique Wilson

Kasabay ng naturang pagtitipon ay paglunsad ng grupong pangkababaihan ng One Billion Rising (OBR) sa ikatlong kampanya para tuluyan ng wakasan ang lahat ng klase ng karahasan sa mga kababaihan, dadalhin ng OBR sa 2015 ang temang “Rebolusyon.” Sa konteksto ng Pilipinas, nangangahulugan ito ng pagbabago sa sistema politika, ekonomiya at kultura.

Photo: Emmi De Jesus, Rep. Gabriela Women’s Partylist (GWP)

“Tayo ay magpapatuloy sa pag-oorganisa, pagmomobilisa ng mga kababaihan at mamamayan laban sa katiwalian at maninidigan para satunay na pagbabago.”
Tinapos ni Gabriela Women’s Partylist (GWA) Rep. Emmi De Jesus sa  kanyang panghuling mensahe sa pagtitipon.